Eala nagmartsa sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom si Pinay tennis ace Alex Eala para umeskapo kay Czech Republic netter Tereza Valentova, 6-4, 7-6 (9-7) sa kanilang Round of 16 match sa Hong Kong Open kahapon.
Kinailangan ng World No. 17 na si Eala na humugot ng lakas at tapang sa dulo ng second set para talunin ang World No. 85 na si Valentova papasok sa quarterfinals.
Ito ang unang panalo ni Eala laban kay Valentova na tumalo sa kanya sa 2025 Kinoshita Group Japan Open, 6-1, 6-2, at sa 2026 Qatar Open, 7-6(6), 6-1.
“It was really, really tough. Tereza played incredibly and we brought the match to a high level and it’s reflected in the scores. I’m so happy I got that one,” ani Eala.
Nagmula si Eala sa 6-4, 6-3 pagsibak kay No. 132 Emerson Jones sa Round of 32 ng WTA 250 tournament.
Sa quarterfinals ay lalabanan ni Eala si No. 81 Antonia Ruzic ng Croatia para sa tiket sa semifinals.
Kaagad hinataw ni Eala ang 3-0 bentahe sa opening set bago nakatabla si Valentova sa 4-4.
Inangkin naman ni Eala ang sumunod na dalawang laro para itakas ang 6-4 panalo.
Naagaw ni Valentova ang 5-3 kalamangan sa second set aksunod ang tatlong sunod na panalo ni Eala para umabante sa 6-5.
Nakapuwersa si Valentova ng tiebreak at tuluyan nang sinelyuhan ng Pinay netter ang kanyang dramatikong straight-sets victory.
Hangad ni Eala na makabangon mula sa magkakasunod na kabiguan sa Singapore Open, Wuhan Open at Pan Pacific Open.
- Latest





















