^

PSN Palaro

SBC, JRU puntirya ang twice-to-beat

-

MANILA, Philippines - Kapit tuko sa pagkubra ng panalo, kapwa isusulong ng reigning three peat champion San Beda at last year’s runner up Jose Rizal ang pag-angkin sa twice- to-beat incentive sa Final Four sa pamamagitan ng paggiba sa College of St. Benilde at Angeles U Foundation sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng 85th NCAA basketball tournament sa The Arena, San Juan City.

Bumomba ng kanyang 19 points produksyon, napatahimik ni Mark Cagoco ang Lions, 77-64 upang putulin ang pagiging magkasosyo nila sa ikalawang pwesto at ilatag ang tsansang masikwat ang pinag-aagawang semifinal bonus.

Susubukang sustinihan ng lakas, aarangkada ang Bombers sa pakikipagtipan nila sa Great Danes (1-14) sa ganap na alas-dos ng hapon habang tatangkain ng Lions na sakmalin ang napatalsik na Blazers (5-10) para palakasin ang kampanya.

 “Our goal now is to finish in the top two and the twice-to-beat advantage that goes with it so every win is important,” pahayag ni Jose Rizal coach Ariel Vanguardia na matindi ang pag-aasam para sa korona.

Tiwala sa nangungunang MVP candidate na si John Wilson, inaasahang mas iigi ang 11 points, 3 boards, 2 assist at 2 steals ambag nito dahil nakapahinga na ito mula sa kanyang trangkaso sa nakalipas na laban.

Dahil sa napipintong pagbabalik ng Bombers, kinakailangang makahanap ng panibagong taktika ang Lions para baliin ang pag-asa na nagbuhat sa matagumpay na laban kontra Great Danes noong Biyernes, 74-61.

Matapos ang naturang laban, maikikipagtagpo ang Bombers sa namamayagpag na San Sebastian Stags na nanatiling perpekto ang baraha, 15-0 na susundan ng pakikipagtipan sa Emilio Aguinaldo habang isasalang naman ang Letran bilang kasunod na kalaban ng Lions at ang huli ay ang pakikipag-buno nito sa Stags. (SNF)

vuukle comment

ANGELES U FOUNDATION

ARIEL VANGUARDIA

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO

FINAL FOUR

GREAT DANES

JOHN WILSON

JOSE RIZAL

MARK CAGOCO

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with