^

PSN Palaro

Pacquiao dinumog sa Baguio

-

BAGUIO CITY , Philippines  --Ginulantang ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang mataas na lugar ng Baguio City sa panimula ng kanyang kampanya patungo sa isa na namang tagumpay.

Alas-5 pa lamang ng madaling araw, nasa maalimoog at madilim na kalye si Pacquiao na nagjogging magmula sa kanyang hotel patungo sa Burnham Park Lake area para sa kanyang flat run. Nagpa-igkas ng mga suntok sa ere at ang kombinasyong suntok, naging malapit si Pacquiao sa mga fans at nanonood ng kanyang ensayo.

“It’s just okay Michael,” wika ni Pacquiao sa kanyang security chief na si Michael Koncz, na tinangkang paalisin ang ilang naroroon at maging ang ilang photographers na nais makalapit sa kanya habang nagjojogging, mabilis na shadow boxing at kaliwa’t kanang jabs.

Dumating nang halos hindi namamalayan at dapat ay malayo sa mga fans bandang alas-10:15 ng gabi via Marcos Highway, kasama ang Team Pacquiao (pero wala si Freddie Roach na darating pa sa Miyerkules), agad nagpasabi ang boxing sensation na mukhang relaks na relaks na kai-langan niya ang flat area para sa kanyang unang road run.

 Nagtungo si Pacquiao sa Burnham Park imbes na sa golf course area ng Sta. Lucia Estates, na malapit lamang sa kanyang hotel.   (Artemio Dumlao)

 

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BAGUIO CITY

BURNHAM PARK

BURNHAM PARK LAKE

FREDDIE ROACH

KANYANG

LUCIA ESTATES

MARCOS HIGHWAY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with