^

PSN Palaro

FEU humatak ng do-or-die: SSC nasa finals na

-

MANILA, Philippines - Pinatalsik sa puwesto, maagap na sinikwat ng San Sebastian College ang unang puwesto sa Finals ng Shakey’s V-League nang pabagsakin ang pilay na puwersa ng Adamson sa Final Four habang dikdikan ang naging labanan ng UST kontra sa FEU na nagtulak sa sudden death match sa isa pang final berth na ginanap kahapon sa The Arena, San Juan City.

Sinamantala ang pagkawala ni Nerissa Bautista at Joanna Botor-Carpio na lumahok sa RP team sa Vietnam, umarangkada si Thai import Jaroensri Bualee na nagpakawala ng 18 hits para siguruhin ang tiket sa Finals.

Habang ang 17 points na kontribusyon ni Laurence Latigay ang dumurog sa defending champion Adamson sa pamamagitan ng 25-14, 25-22, 25-12.

“We were able to cash in on the absence of their two guest players,” ani SSC coach Roger Gorayeb.

Ang nasabing panalo ang umakay sa landas ng tagumpay para sa dalawang sunod na korona para sa Lady Stags sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza at ipiniprisinta ng Cherifer matapos maigupo ang Lady Tigress sa huling kumperensya.

Pumalo ng 13 hits at 11 points, hindi sumapat ang naging ambag nina Angela Benting at Jill Gustilo para suportahan ang pangunulila ng Adamson at isulong ang kampanya sa do-or die match sa semis ng ligang suportado ng Accel, Mikasa, OraCare at Mighty Bond.

Habang napahinga ang SSC, patuloy ang pakikipag-buno ng UST sa puwesto sa Finals matapos daigin ng FEU na umahon mula sa pagkalunod sa first set nang angkinin ang 3 sumunod na set, 16-25, 25-23, 25-21, 25-23.

Sa pamumuno ni mainstay Rachel Daquis na humakot ng 13 kills, kabilang ang isang puntos na nagpaudlot sa pagsasaya ng UST, naiusad ng Lady Tams ang isa pang laban para sa kampeonato.

Naungusan man sa spiking at blocking ng matatangkad na UST players, pinagtuunan ng FEU ang maliksing reception at pagdiga para ilusot ang panalo na gumawa ng malaking puntos para tablahin ang serye kontra sa three-time champion na UST. (Sarie Nerine Francisco)

 

vuukle comment

ADAMSON

ANGELA BENTING

FINAL FOUR

HABANG

JAROENSRI BUALEE

JILL GUSTILO

JOANNA BOTOR-CARPIO

LADY STAGS

LADY TAMS

LADY TIGRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with