^

PSN Palaro

Dolphins sinuwag ng Bulls

-

MANILA, Philippines - Gumana ang opensa ng Batangas Bulls sa gitna ng innings upang magapi ang nag-dedepensang Cebu Dolphins, 4-2, at makamit ang ikasiyam na diretsong panalo sa Baseball Philippines Series V kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Binasag ni Erickson Eguia ang kawalan ng run ng Bulls sa unang tatlong inning sa pamamagitan ng solo homerun laban kay Dolphins starter Sebastian Uichico na siyang nagbigay init sa naunang matamlay na panimula ng koponan.

Tumabla ang Cebu sa kani-lang palo sa top  of the fifth inning sa pamamagitan ni Jerome Bacarisas na tumuntong sa base on balls ni Vladimir Eguia, umabante sa fielder’s choice bago narating ang third base at naiskor ang panablang run sa throwing error ni Jessie Natanauan.

Ang Manila Sharks (4-3) na palaban pa sa pangalawang insentibo ay nakikipagtagisan pa sa  Dumaguete Unibikers habang isinusulat ang balitang ito.

Isinulong naman ng Alabang Tigers ang kanilang karta sa 3-6 nang mangibabaw sa Taguig Patriots, 16-1, sa unang laro na nauwi sa isang regulated game.

vuukle comment

ALABANG TIGERS

ANG MANILA SHARKS

BASEBALL PHILIPPINES SERIES V

BATANGAS BULLS

CEBU

DUMAGUETE UNIBIKERS

ERICKSON EGUIA

JEROME BACARISAS

JESSIE NATANAUAN

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with