^

PSN Palaro

Solo liderato asam ng UST

-

MANILA, Philippines – Solo liderato ang nais angkinin ngayon ng University of Santo Tomas sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa malamyang UP Lady Maroons sa  6

th

Shakey’s V-League na idaraos sa The Arena, San Juan City ganap na alas kwatro.

Hangad ng Lady Tigress na mapatunayan ang galing sa pamamagitan ng pagpalo para sa solong pwesto sa liderato.

Hindi man nagtagum-pay ang UP sa mga nagdaang laban sa ligang ito makaraang magkulang ang pwersa nito para pataubin ang FEU at CSB, sisiguraduhin ng Lady Maroons na makakabawi ngayong hapon.  

 Tutukod ang UST kina Abigail Co, Maika Ortiz, Aiza Maizo at Judy Caballejo para maipuslit ang malinis na baraha.

Sa pamamahala ni Mary Jean Balse, pupunan niya ang pagkawala ni guest player Michelle Carolino, para paigtingin ang kampan-ya sa liderato.

 Isang panibagong kom-binasyon ang ilalapat ni coach Cesael Delos Santos para sa paghahanda sa salpukang Ateneo-Oracare at UST sa susunod na linggo.

 Sa inisyal na laro, magtutunggali naman ang champion ng nakaraang taon na San Sebastian at Lady Pirates sa alas dos ng hapon sa event na hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Sa kabilang panig, nakaalerto naman ang tropa ni Ronald Dulay para tutukan ang strategy ng koponan. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ABIGAIL CO

AIZA MAIZO

CESAEL DELOS SANTOS

JUDY CABALLEJO

LADY MAROONS

LADY PIRATES

LADY TIGRESS

MAIKA ORTIZ

MARY JEAN BALSE

MICHELLE CAROLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with