^

PSN Palaro

Hoop School Summer Camp bukas na sa Meralco Gym at Sta. Lucia East

-

MANILA, Philippines - Bukas na para sa lahat ng nais magpalista ang Hoops School (HOOPS), isa sa most advanced basketball school sa bansa ngayon para sa mga batang babae at lalaki na nagnanais matuto ng fundamentals ng laro. Para naman dun sa advanced students na nakadalo na sa HOOPS, maaaring mag-enrol sa HOOPs “Next Level” Basketball School. Itinatatag nina dating PBL commissioner at PBA team manager Charlie Favis at 7-time PBA import Bobby Parks, ang HOOPS summer camps ay magbubukas sa mga sumusunod na lugar: Meralco Gym Camp sa Marso 28 (9-11AM, S-M-W-F) at Sta. Lucia Mall Camp sa Marso 30 (1-3 at 3-5PM, M-W-F).

Ang HOOPS ay hatid ng Wilson Sporting Goods, ACCEL, Spalding at Konka Television.

Ang iba pang summer camps ay gaganapin sa Divine Light Academy sa Las Piñas, Ynares Sports Center sa Pasig, IS Montessori sa Bocaue, Bulacan, FAITH sa Tanauan, Batangas, St. Mary’s Academy sa Caloocan, Immaculate Heart of Mary.

Ang camps ay bukas sa lahat ng batang may edad anim na taong gulang hanggang 17 anyos. At sa halagang P1,650 na registration fee, ang enrollees ay makakadalo ng pitong 2 oras na training session sa ilalim ng mga beteranong trainers at coach. May libre din itong gift items na tulad ng training ball (para ma-improve ang kanilang spin at rotation), reversible jersey, sports bottle at sports bag.

Para sa interesado magtungo lamang sa Meralcon gym at HOOPS booth sa Sta. Lucia East Grand Mall simula ngayon hanggang katapusan ng buwan. Maaari ding tumawag sa 687-4364; 491-4256, 0922-99HOOPS o 0927-2107116 o mag-login sa www.hoopschool.com.

BASKETBALL SCHOOL

BOBBY PARKS

CHARLIE FAVIS

DIVINE LIGHT ACADEMY

HOOPS

HOOPS SCHOOL

IMMACULATE HEART OF MARY

KONKA TELEVISION

LAS PI

LUCIA EAST GRAND MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with