^

PSN Palaro

Cojuangco, magpapatawag na miting

-

MANILA, Philippines - Inaasahang magpapatawag ng pulong ngayong araw si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. kaugnay sa ibinigay na 15-day ultimatum ng Commission on Audit (CoA) para sa hindi pa naibabalik na P75 milyong utang ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC).

 Nakatakdang dumating si Cojuangco mula sa pulong ng Olympic Council of Asia (OCA) sa Taiwan kung saan dumalo si International Olympic Committee (IOC) president Jacques Rogue.

 Noong nakaraang linggo ay inulit ni State Auditor V Mario G. Lipana ng COA na hindi pa naibabalik ng PHILSOC ang nakuha nitong P74,634,507.50 financial assistance mula sa Philippine Sports Commission (PSC) na bahagi ng tulong na P167 milyon para sa 2005 SEA Games.

 Ayon kay Cojuangco, tumayong chairman  ng PHILSOC, nabayaran na nila ang  PSC mula sa pagsosoli ng sports equipment na nagkakahalaga ng P99,011,903.21 mula sa isang Memorandum of Agreement (MOA).

 Sinabi kamakailan ni POC spokesman Joey Romasanta na natapos na ng Sycip, Gopez and Velayo (SGV), isang auditing firm, ang kanilang audit report.

 “However, maaaring sa punto ng pagkakaiba ng auditing requirements ng gobyerno sa pribado. Siguradong ito lang ang magiging punto dito kung paano itetreat o aayusin ‘yung mga entrada sa libro,” sabi ni Romasanta.

 Upang makakuha ang PHILSOC ng competition at venue equipments para sa 2005 SEA Games, nag-isyu ang PSC ng tsekeng P100 milyon sa Philippine National Bank (PNB) noong Hulyo 31 ng 2005 para magamit ng una bilang Letters of Credit (LC).

 Sa libro ng CoA, nakapag-liquidate ang PHILSOC ng P93 milyon at kulang pa ng P74,634,507.50.

 Umaasa si Romasanta na makakausap nila ang COA sa isang audit conference ngayong linggo. (Russell Cadayona)

COJUANGCO

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

JACQUES ROGUE

JOEY ROMASANTA

LETTERS OF CREDIT

MEMORANDUM OF AGREEMENT

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PHILIPPINE NATIONAL BANK

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with