^

PSN Palaro

Magnolia, lalapit sa outright semis

-

Hangad ng Magnolia Purewater na palakasin ang kanilang tsansa sa outright semifinal slot sa pakikipagharap sa Burger King sa pagbisita ng 2009 PBL PG Flex Linoleum Cup sa Guadalupe Viejo Sports Complex sa Makati ngayon.

Nakatakda ang sagupaan ng Magnolia at Burger King sa alas-2:00 ng hapon kung saan pinapaborang manalo ang Magnolia dahil kulang sa tao ang BK Stunners.

Sa alas-4:00 ng hapon, gaganapin naman ang deciding Game-Three sa pagitan ng Smart Buddy-UP at Ever Bilena kung saan hangad ng Gandang Pinay na maisukbit ang titulo.

Tatlong players ang di maasahan ng Burger King na sina Marcy Arellano, Ogie Menor at Mac Baracael na kasama sa 25-man RP Training pool na kasalukuyang lumalaban sa invitational tournament sa China.

Dahil dito, inaasahang magiging madali para sa Wizards na mapalawig ang kanilang 6-2 karta laban sa BK Stunners.

Sa kasalukuyan, ang Magnolia at ang Hapee Toothpaste na may 4-4 kartada ang tanging mga teams na may tsansang makatabla sa Harbour Centre na may 8-1 kartada sa tuktok ng team standings.

Malabo na ang pag-asa ng Burger King na makakuha ng outright semis at ang tangi nilang habol ay ang No. 3 o No. 4 slot sa quarterfinals.

Pinigilan ng Gandang Pinay ang pagbangon ng Manny V. Pangilinan-backed Lady Maroons sa endgame upang itala ang 67-57 panalo sa Game 1 ng kanilang best-of-three series para kunin ang 1-0 bentahe.

Ang tagumpay ng Ever Bilena ang tatapos sa kanilang isang dekadang paghihintay para maidepensa ang titulo matapos mawala ang WPBL. (Mae Balbuena)

vuukle comment

BURGER KING

EVER BILENA

FLEX LINOLEUM CUP

GANDANG PINAY

GUADALUPE VIEJO SPORTS COMPLEX

HAPEE TOOTHPASTE

HARBOUR CENTRE

LADY MAROONS

MAC BARACAEL

MAE BALBUENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with