^

PSN Palaro

Hindi magaan na kalaban si Pacman-Schaefer

-

LAS VEGAS — Nagsilbing tagapagsalita ni Oscar Dela Hoya ang CEO ng Golden Boy Promotions na si Richard Schaefer.

Habang inirereserba ni Dela Hoya ang kanyang mga salita para sa final press conference sa Miyerkules, umupo si Schaefer sa tabi ng mga Filipino scribes sa malawak na main press center ng MGM Grand.

At siyempre alam niya kung ano ang kanyang mga sasabihing nais marinig ng mga manunulat.

“If you fight the best pound-for-pound boxer in the world, it’s not going to be a walk in the park,” aniya sa mga nakalinyang tape recorders.

Ang pinakamahusay na pound-for-pound fighter ngayon na si Manny Pacquiao ay makakalaban si Dela Hoya, ang mas malaki at mas matanda sa kanya sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM.

Kilalang-kilala ni Schaefer si Pacquiao, bunga ng ilang beses na nakatrabaho ang Pinoy icon sa kanyang promotions at sa totoo lang ay halos muntik ng magkasara ng kontrata sa nagniningning na superstar.

“They call him Pacman because he keeps coming and coming and coming. He’s like the energizer bunny. You can’t stop him. You can’t pull the batteries out,” ani Schaefer.  

Sinabi ni Schaefer na ang ‘Dream Match; sa Sabado ay hindi lamang papantay, kundi baka malagpasan pa ang all-time record sa pay-per-view sales na 2.4 million buys-- tulad ng tinampukan ng Dela Hoya-Mayweather fight noong nakaraang taon.

(Abac Cordero)

ABAC CORDERO

DELA HOYA

DELA HOYA-MAYWEATHER

DREAM MATCH

GOLDEN BOY PROMOTIONS

OSCAR DELA HOYA

RICHARD SCHAEFER

SABADO

SCHAEFER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with