^

PSN Palaro

Air21 bagsak sa Purefoods

- Mae Balbuena -

Sumandal ang Purefoods sa mainit na paglalaro nina Kerby Raymundo, James Yap at Enrico Villanueva tungo sa kanilang 96-88 panalo laban sa Air21 sa pagdalaw ng KFC-PBA Philippine Cup sa Tacloban Convention Center sa Tacloban City kahapon.

Tumapos ng 27-puntos si Raymundo na sinundan ng 26 ni Yap at 23 ni Villanueva para makasulong ang Purefoods sa 7-7 karta matapos ang kanilang back-to-back win.

Nalasap naman ng Express ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan at ikapito sa kabuuang 13-laro para sa 6-7 record.

Samantala, bibisita naman ngayon ang PBA sa ating mga kababayan sa Singapore para sa pagdaraos ng sagupaan ng San Miguel at Talk N Text.

Nakatakdang magsagupa ang Beermen at Tropang Texters sa alas-5:00 ng hapon na parehong hangad ang back-to-back win.

Nasa ikalawang puwesto ang Beermen na may 8-5 kartada sa likod ng nangungunang Alaska na may 9-4 win-loss slate habang katabla naman ng Talk N Text sa 6-6 record ang Barangay Ginebra.

Nais masundan ng Beermen ang nakaraang 98-78 pananalasa sa Air21 na nagbangon sa kanila sa tatlong sunod na talo habang sisikapin namang maduplika ng Talk N Text ang 104-82 panalo laban sa defending champion Sta. Lucia Realty.

Sa unang pagkikita ng SMBeer at Tropang Texters, nanalo ang una, 84-77 noong October 17 kung saan nagbida si Jay Washington sa pagkamada ng 21-puntos.

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

JAY WASHINGTON

LUCIA REALTY

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL

TACLOBAN CITY

TACLOBAN CONVENTION CENTER

TALK N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with