^

PSN Palaro

UST vs SSC sa V-League finals

-

Nagpamalas ng higit na katatagan ang University of Santo Tomas upang igupo ang Adamson sa mainitang bakbakan na tinampukan ng 12 deadlock bago nahatak ang 17-25, 25-14, 25-20, 9-25, 15-13 panalo at isaayos ang titular showdown kontra sa San Sebastian para sa Shakey’s V-League second conference crown sa The Arena sa San Juan City.

Ipinakita ng Tigresses ang pangkampeonatong porma upang makuha ang tagumpay kung saan binugbog nila ang Lady Falcons sa dalawang errors nito para makamit ang game winning points na tumapos sa isang oras at 41 minuto nilang bakbakan.

Ang UST, na galing sa 9-25 pagkakalugmok sa ikaapat na frame, ay bumangon sa 13-12 ngunit nagpakawala naman si Angela Benting ng Adamson ng ika-12 deadlock at makuha ang posesyon at momentum.

Ngunit dalawang magkasunod na error ang nagawa ng Adamson at tuluyang bumigay na nagbigay ng pag-asa sa UST na makabangon at hatakin ang krusiyal na panalo.

Para sa updates at resulta, bisitahin ang kanilang website sa www.v-league.ph. Ang liga ay inorganisa ng Sports Vision at suportado ng   Active White skin whitening products, Mikasa at Accel.

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ADAMSON

ANGELA BENTING

IPINAKITA

LADY FALCONS

MIKASA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

SPORTS VISION

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with