^

PSN Palaro

Bentahan ng Pacquiao-Dela Hoya ticket sisimulan na

-

Opisyal nang sisimulan ang pagbebenta ng tiket sa Miyerkules (US time) para sa “Dream Match” nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya na nakatakda sa Disyembre 6 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ang nasabing mga tiket ay may presyong $1,500, $1,000, $750, $500, $250 at $150, ayon sa Top Rank at Golden Boy Promotions kung saan ang top ringside seats ay nagkakahalaga ng $1,500 o halos P65,000.

Ang naturang presyo ay mas mababa ng $500 nang labanan ni Dela Hoya si Floyd Mayweather, Jr. noong Mayo 5 ng 2007 kung saan nanaig ang huli via split decision para mapanatiling suot ang World Boxing Council (WBC) light middleweight belt. 

 “I will tell them not to sell it at $2,000 because of the bad US economy,” naunang wika ni Bob Arum ng Top Rank.

Kung mananatili naman sa kanilang mga tahanan ang mga gustong manood ng Pacquiao-Dela Hoya non-title welterweight fight, kailangang maglabas ng $54.95 ang isang boxing afficionado para sa pay-per-view subscription.

Sa Dela Hoya-Mayweather bout, lumobo sa halos $120 milyon ang pumasok sa PPV buys bukod pa ang kinitang $19.2 milyon sa live gate MGM Grand. 

Humigit-kumulang sa $55 milyon ang naibulsa ng 35-anyos na si Dela Hoya, samantalang $22 milyon naman ang natanggap ng 29-anyos na si Mayweather matapos pumayag sa 30-70 revenue split.

Ang pinakamahal na tiket na binili sa isang laban ng 29-anyos na si Pacquiao ay umabot sa P50,000 nang harapin ni “Pacman” si Mexican Oscar Larios noong Hulyo ng 2006 sa Araneta Coliseum. (Russell Cadayona)

ARANETA COLISEUM

DELA HOYA

DELA HOYA-MAYWEATHER

DREAM MATCH

FLOYD MAYWEATHER

GOLDEN BOY PROMOTIONS

LAS VEGAS

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with