^

PSN Palaro

Pinoy wushu players umarangkada

-

BEIJING -- Humahataw sa unahan si dating world champion Willy Wang may isang round na lang ang nalalabi sa  29th Olympic Games wushu competitions sa Olympic Sports Center.

Pinanonood ni First Gentleman Mike Arroyo kasama ang ilang kaibigan at miyembro ng Filipino community dito, nagsumite si Wang ng   9.74 points sa unang round ng two-round   nanquan o forms event upang pangunahan ang mga karibal mula sa 20 bansa.

Ang nasabing event ay espesyal o exhibition sport, na ibig sabihin ang medalyang mapagwawagian dito ay hindi ibibilang sa opisyal na bilang ng medalya.

Naghahabol naman ang Brazil, Macau at Chinese-Taipei na nasa second, third at fourth sa kanilang iskor na 9.72, 9.71 at 9.70, ayon sa pagkakasunod.

Nakasiguro naman ng bronze medal si  Marian Mariano, nang makapasok ito sa semifinals ng sanshou o combat event kung saan makakalaban niya ang Iranian.

Maganda rin ang ipinakita nina Benjie Rivera at Mary Jane Estimar sa kanilang debut kahapon ng umaga.

Ang Chinese ang nag-pakilala ng naturang sports at pinagsisikapan na makasama ito sa mga darating na Olympic Games. Gayunpaman, hindi pa rin ito kasali sa 2012 London edition. (Gerry Carpio)

ANG CHINESE

BENJIE RIVERA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GERRY CARPIO

MARIAN MARIANO

OLYMPIC GAMES

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with