Orcollo Tunay na No. 1
Dinurog ni world No.1 Dennis Orcollo ang No.2 na si Niels Feijen ng Netherlands, 13-5, sa finals para makopo ang titulo sa 2008 Qatar International Open 9-Ball Championship nitong Sabado ng gabi sa Qatar Billiards and Snooker Federtion sa Doha.
Ito ang ikatlong titulo ni Orcollo matapos makopo ang
“Masayang-masaya ako sa pagkapanalo kong ito, at ang tagumpay kong ito ay iniaalay ko sa lahat ng ating mga kababayang Pilipino,” ani Orcollo, kabilang sa star-studded Bugsy Promotions ni businessman Perry Mariano at isa sa 12 players ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) na lumahok sa $150,000 (P6.75-million).
Nagsubi ang Surigao del Sur native, sinuportahan ng Villards: Tulong sa Pagsulong ng Philippine Sports ni Senate President Manny Villar, ng $40,000 (P1.8-million).
Si Orcollo ay seeded kasama ang 18 Filipinos sa 96-man main draw. Na-sweep niya ang Group Stage matches laban kina Subah Habib ng Bharain (9-1) at Darren Appleton ng England (9-6) para makapasok sa knockout stage kung saan tinalo naman niya sina former world champion Oliver Ortmann (11-6) sa Last 32, kababayang Warren Kiamco (11-6) sa Last 16, Ramil Gallego (11-9) sa quarterfinals at reigning world 8-ball champion Ralf Souquet ng Germany (11-8) sa semis upang harapin si Feijen sa finals.
- Latest
- Trending




















