^

PSN Palaro

Pinoy nagdiwang sa dobleng tagumpay ng mga bowlers

-

Dobleng selebrasyon ang ipinagdiwang ng Philippines nang magtagumpay sina Benshir Layoso at Apple Posadas sa ABF Tour Philip-pines Leg sa SM Bowling Cen-ter noong Linggo ng hapon.

Tinalo ni Layoso, na nag-kampeon sa 37th Philippines International Open, si Chester King para sa all-Pinoy finals, na nagbigay sa kanya ng titulo sa men’s Tour habang dinaig naman ni Posadas si Lovella Catalan para naman sa women’s.

Tinanghal ding ikalimang bowler sa kasaysayan ng ABF Tour si Layoso na nagkampeon sa ABF men’s title isang araw pagkatapos naman ng  interna-tional open men’s.

Unang tinalo ni Layoso si Cha Ji Hyun ng Korea sa kanilang semis para makarating sa finals.

Naging impresibo ang 38 anyos na si Layoso sa Round 2 nang magpagulong ito ng 278 upang patalsikin ang kababayang si Paulo Valdez na nagposte ng 206. Dinaig din ni Layoso ang isang pang Koreano na si Son Young Seok, 238-185 sa Round 1.

Ngunit kinailangan niyang kumayod sa final match kontra kay King nang magpagulong ang huli ng 234 at nagpuwersa kay Layoso na maka-strike para maiuwi ang korona sa iskor na 239.

Samantala, tinalo ni Posadas si Catalan sa iskor na 258-199 sa women’s finals. Pinatalsik ni Posadas na nagwagi sa 2005 Philippine Leg, ang newly-crowned Philippine Open cham-pion Krizzah Tabora, 205-178 sa unang semis patungo sa finals.

APPLE POSADAS

BENSHIR LAYOSO

BOWLING CEN

CHA JI HYUN

CHESTER KING

KRIZZAH TABORA

LAYOSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with