^

PSN Palaro

Playoff sa huling semis asam ng USJ-R vs USLS

-

Tangka ng University of San Jose-Recoletos ang playoff para sa ikaapat at huling semifinal slot sa pakikipagharap sa University of St. La Salle-Bacolod ngayon sa inaasahang mainit na labanan ng dalawang guest teams na ito sa Shakey’s V-League Season 5 sa pagtatapos ng quarterfinal round sa The Arena San Juan.

Nadiskaril ang Cebu-based squad sa labanan para sa No. 2 spot sa quarterfinal round laban sa Lyceum matapos mabigo sa Ateneo, 21-25, 25-23, 21-25, 13-25, noong Biyernes na naglaglag sa kanila sa 2-2 kartada patungo sa final day ng single round phase.

Hindi rin pinalusot ng Pirates, ang Bacolod spikers, 25-16, 18-25, 25-23, 25-10, para magtapos sa likod ng Eagles na may 5-0 card, sa kanilang, 4-1 kartada.

Makakapuwersa ang USJ-R ng playoff para sa huling semis berth kung magtatagumpay sila sa USLS sa kanilang alas-2:00 ng hapong sagupaan, sa bisa ng 3-of-five incentive rule ng ligang sponsored ng Shakey’s V-League.

Kung may playoff, gaganapin ito sa Martes ayon sa nag-organisang Sports Vision.

Samantala, tatapusin naman ng Far Eastern U at ng St. Benilde ang kanilang kampanya sa alas-12:00 ng tanghaling sagupaan.

vuukle comment

ARENA SAN JUAN

ATENEO

BACOLOD

FAR EASTERN U

SHAKEY

SPORTS VISION

ST. BENILDE

UNIVERSITY OF SAN JOSE-RECOLETOS

UNIVERSITY OF ST. LA SALLE-BACOLOD

V-LEAGUE SEASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with