Diaz nag-ikot sa Amerika
Sinimulan na kahapon ni Mexican-American world lightweight champion David Diaz ang kanyang paglilibot sa ilang siyudad sa
Ang 31-anyos na si Diaz ay pinarangalan bilang Grand Marshal sa Cinco de Mayo Parade sa
“It was a great parade, the people were terrific,” ani Diaz. “The support they showed me as I work towards the fight with Pacquiao truly humbled me. I’m glad I had the opportunity to share this with my wife and little boy and with all of the families that turned out.”
Itataya ni Diaz ang kanyang suot na World Boxing Council (WBC) lightweight crown sa ikatlong sunod na pagkakataon laban sa 29-anyos na si Pacquiao sa Hunyo 28 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa
Matagumpay na naidepensa ni Diaz ang kanyang titulo laban kay dating three-weight division titlist Erik Morales via unanimous decision noong Agosto 4 sa
Isang majority draw naman ang hinugot ni Diaz laban kay Mexican Ramon Montano sa kanilang 10-round, non-title bout noong Marso 15 bilang undercard sa WBC super featherweight championship fight nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Dadalhin ni Diaz, miyembro ng U.S. Olympic Team noong 1996, ang 34-1-1 win-loss-draw ring record kasama ang 17 KOs, samantalang may 46-3-2 (35 KOs) naman si Pacquiao, nakatakdang magtungo sa Wild Card Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach sa Sabado. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending