3rd win target ng ZUS Coffee sa Farm Fresh
MANILA, Philippines — Ang kauna-unahang ikatlong sunod na panalo ang target ng ZUS Coffee, habang hangad ng Farm Fresh na maituloy ang suwerte sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Magtutuos ang Thunderbelles at Foxies nga-yong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Akari Chargers at Petro Gazz Angels sa alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Magkasosyo sa lide-rato ang nagdedepensang Creamline at Cignal HD sa magkatulad nilang 3-0 record sa itaas ng PLDT (3-1), Chery Tiggo (3-1), ZUS Coffee (2-1), Petro Gazz (2-1), Akari (2-2), Choco Mucho (2-3), Farm Fresh (1-2), Capital1 Solar Energy (1-3), Galeries Tower (0-4) at Nxled (0-4).
Matapos matalo sa Chargers, 14-25, 21-25, 25-19, 23-25, ay magkasunod na pinatumba ng Thunderbelles ang Chameleons, 19-25, 25-23, 25-22, 25-15, at Chameleons, 25-22, 25-16, 25-19.
“Gusto namin ‘yung growth, gusto namin ‘yung maturity, lalo na ‘yung dala ng mga veterans,” ani coach Jerry Yee sa kanyang tropa. “Ang laki ng push para sa amin, so hopefully magtuluy-tuloy kami.”
Hinataw naman ng Foxies ang una nilang panalo sa torneo nang walisin ang Chargers, 25-23, 25-21, 25-14.
Babandera para sa ZUS Coffee sina veterans Jovelyn Gonzaga, Chinnie Arroyo at Chai Troncoso kasama sina No. 1 overall pick Thea Gagate at Michelle Gamit kontra kina Trisha Tubu, Rizza Cruz, Caitlyn Viray, Alyssa Bertolano at Louie Romero ng Farm Fresh.
- Latest