USJ-R nagpasiklab
Nagpasiklab ang University of San Jose-Recoletos sa kanilang debut sa Shakey’s V-League Season 5 sa pamamagitan ng straight-set victory kontra sa St. Benilde, 25-20, 25-20, 25-23, sa simula ng quarterfinal round sa The Arena sa San Juan kahapon.
Nagpakawala si guest player Mechell Matuguina ng 15 kills, kabilang ang match-clinching hit, para sa kanyang 16-point production habang nagtulong sina Mae Marikit at Aina Laroga sa 23 points para sa Cebuanos, nang kanilang tapusin ang laro sa loob ng 75-minuto.
Nagtala si Genie Sabas ng siyam na puntos para sa Cebu School Athletics Federation, Inc. (CESAFI) volley champion, isa sa dalawang provincial teams na pumasok sa semis berths ng ligang sponsored ng Shakey’s Pizza upang ipalasap sa Benilde ang kanilang ika-11 sunod na talo.
Nauna rito, dinurog ng Ateneo ang Lyceum, 25-16, 25-21 25-20, upang samahan ang USJ-R sa pangunguna sa single round quarterfinal phase ng ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Active White skin whitening products, Mail and More, ICT Call Center, 100Plus Energy Drink, Mikasa at Accel.
Magde-debut ang University of St. La Salle-Bacolod laban sa UAAP champion Far Eastern University sa nakatakdang triple bill bukas.
- Latest
- Trending




















