^

PSN Palaro

Win No. 6 target ng AdU spikers

-

Tangka ng Adamson na makadalawang sunod na panalo sa Far Eastern U sa pagsisimula ng kampanya ng Lady Falcons sa second round ng Shakey’s V-League Season 5.

Pinasadsad ng Falcons ang Tams, 25-17, 25-11, 25-22, nitong Linggo para makumpleto ang sweep ng first phase ng elims at hindi sila natalo ng set.

Hangad ng Lady Falcons na muling pangungu-nahan ni Neriza Bautista na magawa din ito sa ikala-wang round at sisimulan nila ito kontra sa Lady Tams sa alas-4:00 ng hapon.

Haharapin ng San Se-bastian, nanalo sa Ateneo, 25-21, 25-22, 27-25, para makopo ang solo second na may 4-1 mark, ang  St. Benilde sa alas-2:00 ng hapon na hangad nilang maduplika ang straight-set victory kontra sa St. Benilde sa kanilang unang pagkikita noong March 30 sa tournament na sponsored ng Sha-key’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Matutuon ang pansin sa Adamson-FEU duel kung saan hangad ng Tams, tumalo sa Falcons sa sudden death para sa UAAP volley crown, na makapag-adjusts upang pigilan ang San Marcelino-based sa ligang suportado ng Active White skinwhitening pro-ducts, Mail and More, ICT Call Center, Mikasa at Accel.

Asahang makakakuha ng solidong suporta si Irish Morada mula kina Cherry Vivas, Shaira Gonzalez, Rose Ann Taganas at Mary Rose Cabanag upang ta-patan sina Bautista,  Angela Benting, Rissa Laguilles, Jacqueline So, Michelle Segodine at Janet Serafica na siya namang pambato ng Adamson.

vuukle comment

ACTIVE WHITE

ADAMSON

ANGELA BENTING

CALL CENTER

CHERRY VIVAS

FAR EASTERN U

IRISH MORADA

LADY FALCONS

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with