^

PSN Palaro

Bigo si Castro pero may pag-asa pa

-

ASTANA, Kazakhstan -- Bigo si flyweight Godfrey Castro sa kanyang unang pagkakataong makakuha ng ticket sa Beijing Olympics dahil sa nakakadudang scoring ngunit may isa pa siyang pagkakataon sa ika-lawa at final Olympic boxing qualifying tournament dito.

Ayaw bigyan ng limang judges ng puntos ang 24-gulang na si Castro kaya napagkaitan ito ng tsansang makasama sa Beijing Games matapos ang 23-25 loss sa kanyang semifinals bout kay G. Donirayov ng Uzbekistan sa labanang prinotesta ng Kazakh crowd sa Sports Palace na isinisigaw ang pangalan ni Castro.

“Inilabas ko na ang lahat ng makakaya ko, pero sorry po ayaw talaga ako ng mga judges,” wika ng naiiyak na si Castro. “Meron pa akong pag-asa bukas sa box-off pero dapat sana nakuha ko na ngayon pa lang.”

May ikalawang pagkakataon si Castro sa Olympic ticket sa Linggo sa pakikipagharap kay Indian Kumar Jintender, na nag-retire sa third round ng kanyang semifinals match kay  Mirat Sarsembayev ng Kazakhstan para sa ikatlo at huling Olympic berth na nakataya sa 51 kilos category.

Natalo naman ang ikalawang Filipino semifinalist ng five-man RP Smart-PLDT Boxing Team na si lightweight Genebert Basadre kay Merey Akshalov ng Kazakhstan na agad umabante sa 24-4 lead sa third round para sa kanyang RSC-OS (Referee Stopped Contest-Outscored) win.

BEIJING GAMES

BEIJING OLYMPICS

BOXING TEAM

GENEBERT BASADRE

GODFREY CASTRO

INDIAN KUMAR JINTENDER

KAZAKHSTAN

MEREY AKSHALOV

MIRAT SARSEMBAYEV

REFEREE STOPPED CONTEST-OUTSCORED

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with