^

PSN Palaro

Kahit may ubo, tuloy ang ensayo ni Pacman

-

Kahit na may ubo, sumabak pa rin si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa mabigat na sparring session nila ni American trainer Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Kumpiyansa ang 29-anyos na tubong General Santos City na magiging maayos ang kanilang preparasyon ni Roach para sa rematch kay Mexican world super featherweight champion Juan Manuel Marquez sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas.

“Inumpisahan na namin ang apat na rounds ng sparring at maganda naman ang resulta,” ani Pacquiao. “Mahaba pa ang laban, mga anim na linggo pa at maayos na ang training camp namin ni Coach Freddie Roach.”

Ayon kay Pacquiao, ang pagkakaroon niya ng ubo ay bunga ng pabagu-bago ng klima sa California kung saan nagiging malamig sa umaga at umuulan sa hapon. 

“Medyo inuubo ako pero tuloy pa rin ang ensayo umulan man o umaraw, ubod man ng lamig sa umaga,” ani Pacquiao, kasabay sa ensayo sina Gerry Peñalosa, Bernabe Concepcion, Rodel Mayol at Diosdado Gabi.

“Kahit na may ubo ako, pinipilit ko pa ring sumabak sa ensayo dahil mahalaga para sa akin na maipanalo itong laban na ito. Karangalan ng bansa at ng aking pamilya ang nakataya dito at gusto ko talagang wakasan na ang tablang decision na namagitan sa laban namin ni Marquez noong 2004,” ani Pacquiao. (RCadayona)

vuukle comment

BERNABE CONCEPCION

COACH FREDDIE ROACH

DIOSDADO GABI

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GERRY PE

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with