^

PSN Palaro

Mamahaling camera bagong laruan ni Pacquiao

-

Matapos ang ilang mamahaling sasakyan, ang pinakamahal na Canon camera naman ang binili ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao bilang isa sa kanyang bagong ‘laruan’ sa tuwing matatapos ang kanyang mabigat na ensayo sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.

Kahapon ay sinimulan na ng 29-anyos na si Pacquiao ang pagkuha ng litrato sa boxing gym ni American trainer Freddie Roach.

Ang EOS Mark III na Canon camera na may isang 24-70mm, 2.8 lens at isang 580EXIII speed-lite flash gun ay nabili ng tubong General Santos City sa Sammy’s Camera sa Fairfax Avenue na halos anim na kalsada ang layo mula sa kanyang tinitirhang Palazzo Apartment sa Los Angeles.

Ang nasabing camera ang pinakamahal sa hanay ng mga Canon camera.

Bago bilhin ang EOS Mark III, isang lap top muna ang binili ni Pacquiao, nakatakdang makipag-kita kay World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Juan Manuel Marquez sa Marso 15 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, kasabay ng kanyang kapatid na si Bobby bilang pampa-relax.

Maliban sa magkapatid na Pacquiao, nagsasanay rin sa Wild Card Gym sina Gerry Peñalosa, Bernabe Concepcion, Rodel Mayol at Diosdado Gabi na nasa undercard ng Pacquiao-Marquez II.

Nakatakdang idepensa ng 35-anyos na si Peñalosa ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt kontra kay Indonesian challenger Ratanachai Sor Vorapin sa Marso 2 sa Araneta Coliseum. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BERNABE CONCEPCION

DIOSDADO GABI

FAIRFAX AVENUE

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GERRY PE

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with