^

PSN Palaro

Titulo ni Condes babawiin kung...

-

Isang Filipino world boxing champion ang po-sibleng mahubaran ng suot na korona bunga ng kalitu-han sa kung sino ang kan-yang tunay na tumatayong manager at promoter.

Inihayag kahapon ni International Boxing Federation (IBF) minimum-weight titlist Florante “The Little Pacquiao” Condes na pansamantala muna si-yang tumigil sa pagsasa-nay habang hindi narere-solbahan ang suliranin kay Filipino manager Aljoe Jaro at kina American promoters, Dante Ortiz at Bobby Bostick.

“Ngayon, kain, tulog lang ang ginagawa ko kasi parang nawawalan na ako ng gana,” sabi ng 27-anyos na si Condes. “Kung tata-gal na hindi maaayos ang problema, magpapahinga na lang ako sa boxing. At kapag na-strip ‘yung title ko ng IBF, wala na akong ma-gagawa.”

Ikinagitla ni Condes, umiskor ng isang unanimous decision kay Indonesian warrior Muhammad Rachman noong Hulyo 7 para agawin ang IBF mini-mumweight belt, ang pagi-ging manager ng asawa ni Jaro.

“Palagi kong sinasabi na si Kuya Aljoe ang manager ko, tapos ‘yung asawa pala niya,” ani Condes, iti-nakda nina Ortiz at Bostick ang pagdedepensa kay Mexican Raul Garcia sa Pebrero 15 ng 2008 sa Mexico.

Samantala, nakatakda namang hamunin ni Filipi-no challenger Bert Bata-wang si IBF light flyweight champion Ulises “Archie” Solis ng Mexico sa Dis-yembre 16 (Manila time) sa Guadalajara, Mexico.           Asam ni Batawang na makahanay sina Condes, IBF at IBO flyweight champion Nonito Donaire, Jr., WBO bantamweight ruler Gerry Peñalosa. (RCadayona)

 

ALJOE JARO

BERT BATA

BOBBY BOSTICK

DANTE ORTIZ

GERRY PE

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with