^

PSN Palaro

Si Albania lang ang nakalusot

-

NAKHON Ratchasima --Tunay na ipinakikita ng host Thailand ang kanilang pagnanais na maghari sa larangan ng boxing nang mula sa anim na babaeng Pinay boxers na lumaban sa gold medal, isa lamang ang pinalad.

Sinuong ni Annie Albania ang mahigpit na hamon ni Kadeewong Hansa ng Thailand upang pahalikin  ito sa lona sa RSC-H panalo.

Ngunit kulang ang panalong ito upang maging inspirasyon sa mga kasamahan nang sa una pa lang ay agad ipinakita ng Thais ang kanilang dominasyon makaraang gapiin ni Samtumrum Sopida si Alice Kate Aparri, ang unang umakyat sa ring.

Pinayuko ni Sopida si Aparri sa iskor na 18-6.

Ang panalo ng flyweight na si Albania ay isa sanang magandang hudyat dahil ipinakita ng 2005 Manila SEAG gold medalist ang kanyang galling sa pamamagitan ng pagpapabagsak na panalo at hindi sa pamamagitan ng puntos.

Hindi rin naging masuwerte si lightbantamweight Annalisa Cruz na ginapi ni Thawinsuwanawang Usanakorn, 18-8. Kasunod nito, yumuko din si Jouvilet Chilem sa dikit na 17-12 panalo ng Thai na si Thongjan Tassamalee.

Binokya naman ni Laopeam Peamwilaj si Ronijen Sofla, 19-0 at maging ang world class caliber na si Mitchel Martinez ay hindi rin nakalusot sa matalim na kampanya ng Thailand makaraang yumukod it okay Ngoksungnoen Sumittra.

Bunga ng limang panalo ng Thais, nakuha nila ang overall sa kababaihan na hawak dati ng Pinas.

Samantala, magtatangka din ngayon ang pitong Pinoy na makabawi sa sinapit ng mga kababaihan sa kanilang pag-akyat sa finals ng men’s boxing event sa Tumbon Muengpug Gymnasium.

Sasabak para sa suntok sa buwan na gintong medalya sina flyweight Godfrey Casto, bantamweight Junel Cantancio, featherweight Orlando Tacuyan, lightweight Joegin Ladon, superlightweight Larry Semillano, middleweight Junie Tizon at lightheavyweight Maximo Tabangcora. Makakalaban nila ang Thailand sa lahat ng finals.  (Dina Marie Villena)

vuukle comment

ALICE KATE APARRI

ANNALISA CRUZ

ANNIE ALBANIA

DINA MARIE VILLENA

GODFREY CASTO

JOEGIN LADON

JOUVILET CHILEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with