^

PSN Palaro

RP riders sa flat roads naman masusubukan

-

NAKHON RATCHA-SIMA  -- Makaraan ang tagumpay ng Philippine cycling team sa kabundukan, susubukan naman nilang mamayagpag ngayon sa flat roads sa pagpedal nina Victor Espiritu at Marites Bitbit sa Individual time trial upang madagdagan ang 1-1-2 gold-silver medal sa bulubundukin ng  Khao Yai Thieng.

Kapwa magagaling na ITT riders, kung saan ang dating tour champ na si Espiritu ay gold medalist sa 1997 Jakarta Games at runner-up naman sa Vietnam, habang runner-up din si Bitbit sa Tagaytay noong 2005 Manila SEA Games.

Tatakbuhin ng mga riders ang mahaba at magandang kalsada ng Mittrapah Road na may isang oras layo mula dito sa lungsod at babaybayin ang may 42k sa kalalakihan at 30km naman sa kababaihan.

Nais makabawi ni Bitbit mula sa kanyang bronze medal na tinapos sa cross country sa likuran ng dalawang Vietnamese rider.

“I will try to make up in the time trial. I don’t want to go home  without a gold medal,” ani Bitbit.

Iba naman ang motibasyon para kay Espiritu, ang paghihiganti at muling maagaw ang titulong kinuha sa kanya sa Vietnam.

“Victor has an old score to settle,” wika ni coach Jomel Lorenzo.

At silver medal sa Vietnam at pagkawala ng tsansang maagaw ito noong 2005 kung saan hindi siya lumaro.

At ito ang nagbigay ng lakas ng loob kay Espiritu. (DMVillena)

BITBIT

ESPIRITU

JAKARTA GAMES

JOMEL LORENZO

KHAO YAI THIENG

MARITES BITBIT

MITTRAPAH ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with