Mabigat ang hamon kay Barba
KHAO YAI THIENG -- Mahigpit ang hamon para kay defending champion Joey Barba para sa gold medal sa men’s downhill ngayon matapos magpakitang gilas ang Thai rider na si Ketkaewmanee Sitichai sa seeding run kahapon.
Nagsumitre si Ketkaewmanee ng pinakamabilis na oras na 4:02.275 kumpara sa 4:03.664 ni Barba sa 1.9-kilometer route.
Segundo lamang ang deperensiya kaya kumpiyansa ang RP riders na malaki ang tsansa ni Barba sa karera ngayon sa isa sa lalawigan ng Nakhon Ratchasima province.
“The riders will pour everything tomorrow (today). The Thais have the edge since they themselves designed the course, but they can’t take Joey for granted,” ang kumpiyansang pahayag ni RP coach Jomel Lorenzo.(NELSON BELTRAN)
- Latest
- Trending