^

PSN Palaro

Sweep tangka ng Hapee

-

Tangka ng Hapee Toothpaste na ma-sweep ang elimination round ng  2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup at tanging ang Pharex na lamang ang hadlang dito.

Haharapin ng Complete Protectors ang ba-gong saltang Pharex sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa The Arena sa San Juan.

Mauuna rito ay ang sagupaan ng San Mig Coffee at ng kulelat na Bacchus Energy Drink sa alas-2:00 ng hapon.

Nakakasiguro na ng semifinals berth ang Hapee na may malinis na 6-0 record gayundin ang pumapangalawang Harbour Centre na may 6-1 kartada.

Sinandalan ng Hapee si Reed Juntilla sa kani-lang nakaraang 79-75 panalo laban sa Complete Protectors para sa kanilang pinakamagandang simula sa torneo sapul nang lumahok sa liga noong 1994.

Sa likod ng magandang kapalarang tinatamasa ng Hapee, ayaw maging kumpiyansa ni coach Jun Noel.“We can’t celebrate yet because we gained only little from this win. We’re far from our mission but we’re confident of hitting it with the way my players are performing,” aniya.

Inaasahang muling igigiya nina Reed Juntilla, Mark Borboran, Larry Rodriguez t Fil-Am Gabe Norwood ang Hapee upang mapanatiling malinis ang kanilang kata-yuan.

Hangad naman ng Coffee Kings ang pana-long magsisiguro sa kanila ng quarterfinal slot.

Taglay ng San Mig Coffee ang 2-4 kartada sa likod ng Toyota Balinta-wak at ng Mail & More na may 3-4 record.

Wala pang panalo ang Bacchus sa anim na laro sanhi ng kanilang pangu-ngulelat ngunit posibleng ngayon na nila matikman ang tagumpay.  (MAE BALBUENA)

vuukle comment

COFFEE KINGS

COMPLETE PROTECTORS

DRINK CUP

HAPEE

REED JUNTILLA

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with