^

PSN Palaro

Lady Stags nasa semis na

-

Inaasahan ng San Sebastian ang mahigpit na laban ngunit naging magaan ang kanilang tagumpay matapos dominahin ang La Salle, 25-20, 25-22, 25-16, upang makausad sa semifinals ng Shakey’s V-League Second Conference  na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan kahapon.

Muling nagpasiklab si Thai import Jaroensri Bualee sa pagpapamalas ng all-around game para sa 23-puntos at ihatid ang SSC spikers sa ika-4 na sunod na panalo sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

Nagsumite naman sina Laurence Ann Latigay at Rysabelle Devanaderang pinagsamang 26 points para sa Baste.

Nauna rito, tinalo naman ng Adamson ang Letran, 25-18, 25-17, 24-26, 25-18, upang makisalo sa ikalawang puwesto sa UST Tigresses at Ateneo Lady Eagles.

Ito ang ikalimang pagkatalo ng Letran sanhi ng kanilang pagkakasibak sa kontensiyon. Nalasap naman ng La Salle ang ikalawang talo sa tatlong pakikipaglaban.

Nagtulong sina guest player Neriza Bautista at Rissa Laguilles para sa 29 points ng Adamson.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO LADY EAGLES

JAROENSRI BUALEE

LA SALLE

LAURENCE ANN LATIGAY

LETRAN

NERIZA BAUTISTA

RISSA LAGUILLES

RYSABELLE DEVANADERANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with