^

PSN Palaro

Coffee Kings pinatikman ang Medics

-

Nagpamalas NCAA MVP  Kelvin dela Peña ng impresibong laro na angkop sa opening ng 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup nang banderahan nito ang San Mig Coffee sa 68-65 panalo laban sa baguhang Pharex sa The Arena  sa San Juan kahapon.

Umiskor ang dating Mapua stalwart na si dela Peña ng walo sa kanyang tinapos na 11-puntos sa final period kabilang ang 15-foot jumper upang agawin ang panalo sa Medics squad.

Nalubog pa sa 15 point deficit ang Pharex sa ikaapat na quarter ngunit nakahabol sila sa tulong ng do-it-all forward  na si Ronnie Matias.

Gayunpaman, umiskor si dela Peña  ng jumper upang mabawi ng Coffee Kings ang kalamangan sa, 66-65, 18 segundo na lamang.

Naglaho ang tsansa ng Pharex na manalo sa kanilang maiden game nang magkamit si Elmer Oreta ng inbound error na nagdala kay Al Magpayo sa stripes, 12 segundo na lamang.

Walang naipasok na freethrows ang 6-foot-5 na si Magpayo ngunit nakuha ni Glen Bolocon ang rebound na agad nafoul at pareho nitong ipinasok ang kanyang free throws, 11 tikada pa para sa huling pagkakataon ng Medics na di na nakaporma sa huling posesyon. (MBalbuena)

vuukle comment

AL MAGPAYO

COFFEE KINGS

DRINK CUP

ELMER ORETA

GLEN BOLOCON

PHAREX

RONNIE MATIAS

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with