Pacquiao, kinilala na bilang Fighter of the Year ng WBHF
Katulad ng dapat mangyari, kinilala si Filipino boxing hero Manny Pacquiao bilang “Fighter of the Year” ng World Boxing Hall of Fame sa 28th Annual Awards Night na ginanap sa Double Tree Hotel sa Ontario, California.
Ang naturang karangalan na ibinigay ng WBHF ay bilang pagkilala sa panalo ng 28-anyos na si Pacquiao kina dating World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Marco Antonio Barrera noong Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada at Mexican featherweight titlist Jorge Solis noong Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
Nauna nang kinilala ng WBHF, isa sa dalawang boxing hall of fame organizations bukod sa International Boxing Hall of Fame (IBHF) ng Canastota, New York, sina Filipino world flyweight champion Pancho Villa at super featherweight titlist Gabriel “Flash” Elorde.
Kasalukuyang pinag-aaralan ni Pacquiao, ang WBC International super featherweight king, kung aak-yat sa lighweight division kung saan siya hinahamon ni Juan “Baby Bull” Diaz, ang naghahari sa International Boxing Federation (IBF), World Boxing Organization (WBO) at World Boxing Association (WBA).
Maliban kay Pacquiao, isa pang Filipino fighter ang binigyan ng rekognisyon ng WBHF mula sa kan-yang pagpapabagsak kay IBF at International Boxing Organization (IBO) flyweight titlist Vic Darchinyan sa fifth round noong Hulyo 7 sa
Kinilala ng WBHF ang 24-anyos na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. bilang “Most Outstanding Boxer of the Year” mula sa kanyang tagumpay kay Darchinyan.
Si Donaire, ayon sa kanyang amang si Nonito Sr., ay magdedepensa ng kanyang IBF at IBO flyweight crowns laban kay Luis Maldonado sa Dis-yembre 1 sa
- Latest
- Trending