Eala nagbitiw na sa PBA
Isang araw matapos dumating mula sa
Ito ay mula na rin sa kuwestiyon sa kanyang moralidad matapos si-yang i-disbar ng Supreme Court bilang abogado sa kasong gross morale misconduct noong Agosto 1.
”I have made hard decisions in my life, decisions which I always take full responsibility for. Recent events in my personal and private life have necessitated that I make another hard decision today,” wika ni Eala sa binasa niyang press statement. “To ease the pain of the people who matter to me, my family, especially children and to shield the league I truly care for with so much passion from any erroneous perceptions related to my disbarment case in the Supreme Court, I am today tendering my immediate resignation as Commissioner of the Philippine Basketball Association.”
Ayon sa isang source, bago pa man ihayag ni Eala, nailuklok bilang Commissioner noong 2003 kapalit ng nama-yapa nang si Jun Bernardino, ay nagdesisyon na ang PBA Board of Governors na sibakin ang dating television anchorman.
Kabilang sa mga bumoto para patalsikin sa silya si Eala ay sina Ricky Vargas ng Talk ‘N Text, Tony Chua ng Red Bull, Lito Alvarez ng Air 21, Joaqui Trillo ng Alaska, Ariel Magno ng Sta. Lucia at JB Baylon ng Coca-Cola.
Gusto namang pana-tilihin nina Ely Capacio ng Purefoods, Robert Non ng San Miguel at Mamerto Mondragon ng Welcoat si Eala sa kanyang pu-westo.
Kabilang sa mga per-sonalidad na nasa lista-han ngayon ng PBA Board ay sina dating Sen. Robert Jaworski, Sr., Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) president Chito Narvasa at ang kinatawan sa Board ng Purefoods na si Rene Pardo.
Si Narvasa, dating coach ng Shell Turbo Chargers, ang isa sa mga naging karibal ni Eala bilang Commissioner noong 2003 bukod kay Rey Gamboa ng Shell.
Kasalukuyan namang nasa
”I now appeal to all to allow me and my loved ones to deal with this very personal ordeal privately and in our own time,” ani Eala bago mabilis na tumalilis.
- Latest
- Trending

















