^

PSN Palaro

Letran Squires pasok na sa Final Four

-

Nakakuha ng tiket ang Letran para sa Final Four nang daigin nito ang  CSB-La Salle Greenhills, 113-96 para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo sa 83rd NCAA junior’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.           

Umiskor si John Noble ng 29 points at 8 rebounds, habang nag-ambag naman si Kevin Alas ng 24 puntos para sa Squires, para sa kanilang 6-1 rekord.

Kumana naman sina Bill Romeo at Glenn Khobuntin ng 20 at 19 points, ayon sa pag-kakasunod habang nagtala ng 9 puntos at 10 rebounds si Kristoffer Alas para sa Squires.

Nanguna naman si Jorge Nicolas para sa Junior Blazers sa kanyang inilistang 21 puntos.

Sa naunang laro, umusad papalapit sa semifinal round ang defending champion San Se-bastian College maka-raang igupo ang San Beda College, 79-77.

Nagpamalas ng impresi-bong laro sina Ryan Buenafe at Arvie Bringas na nagtala ng double-double para sa Stag-lets.

Kumana ng 28 puntos at 14 rebounds si Buenafe habang nag-ambag naman ng 14 markers at 9 boards si Bringas.

Sa ikalawang laro, umiskor ng 28 puntos si Bon Jovi Cipriano nang gapiin ng host Jose Rizal University ang University of Perpetual Help, 96-73.

vuukle comment

ARVIE BRINGAS

BILL ROMEO

BON JOVI CIPRIANO

FINAL FOUR

GLENN KHOBUNTIN

JOHN NOBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with