^

PSN Palaro

4 na UAAP juniors malinis pa rin

-

Laro bukas

(Adamson Gym)

8 am DLSZ vs UST (jrs)

10 am  UE vs NU (jrs)

12 nn.  UST vs UPIS (jrs)

2 pm AdU vs FEU (jrs)

 Apat na koponan sa pangunguna ng defending champion Ateneo ang nanati-ling walang talo sa pagpapa-tuloy ng UAAP juniors basketball tournament nitong weekend sa FEU Gym.

Nagtala si Juami Tiongson ng 21 puntos habang nagdag-dag si Ael Banal ng 12 puntos upang tulungan ang Blue Eaglets sa ikalawang sunod na panalo  79-64 kontra sa Univer-sity of Santo Tomas.

Tumapos si Mashi Okubo na may 18 puntos at 5 rebounds habang nag-ambag si Jed Bryan Manguera ng 17 puntos at 5 assists matapos ilampaso ng Junior Archers ang UP Integrated School, 93-52.

Nagtala ng double-double si Anthony Paulino ng 14 puntos at 11 rebounds upang igiya ang Baby Tamaraws sa 75-64 panalo laban sa University of the East.

Tumirada si Kevin Batac ng 30 puntos at nagawa ng Bullpups na malampasan ang isang panalo na naitala nitong nakalipas na season sa pama-magitan ng 79-69 paggapi sa Adamson.

Sa women’s division, magkasosyo na ang Ateneo at University of the Philippines sa liderato makaraang gapiin ang kani-kanilang mga katunggali sa Blue Eagle Gym.

Inilampaso ng Lady Eagles ang NU, 54-30, habang pina-dapa ng Lady Maroons ang La Salle, 46-36, upang masungkit ng dalawang koponan ang 2-0 marka.

Tumipa si Rem Buenacosa ng 19 puntos at 11 rebounds habang nag-ambag si Marichu Bacaro ng 14 puntos, 8 rebounds at 6 assists upang igiya ang titleholder UST sa 69-56 tagumpay kontra sa Adamson.

Umiskor si Raiza Palmera ng dalawang game-winning free throws sa huling 6 segun-do upang itakas ng FEU ang 53-51 panalo laban sa UE.

 

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON GYM

AEL BANAL

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with