^

PSN Palaro

Tiyak na exciting ang NBA Finals

SPORTS - Dina Marie Villena -

Grabe ang galing-galing talaga ni LeBron James ng Clevaland Cavaliers. Kakaiba ang kanyang lakas bagamat hindi lang naman siya ang nagdeliver para sa pagpasok nila sa NBA Finals. Maging ang kanilang rookie na si Daniel Gibson ay nagpakitang-gilas din lalo na doon sa huling dalawang laro nila kontra sa Detroit Pistons.

Kaya inaasahan ang mainit na aksiyon sa pagitan ng San Antonio Spurs at Cavaliers sa NBA Finals na magsisimula sa June 8 sa balwarte ng Spurs.

Match na match lang ang dalawang ito kaya malaki ang posibilidad na umabot ng Game 7 ang Finals.

Sey nyo!

* * *

Maganda ang inilaro ng Purefoods noong Biyernes ng gabi at nagpasiklab naman ng gabing yun ay isa ring James. Si James Yap.

Kung meron James ang Cleveland may James din daw ang Purefoods.

He he he!

* * *

Speaking of James Yap, nais ko lang pasalamatan ito pati na rin sina Papa Jun Limpot at Marc Pingris sa pagdating nila sa 4th year anniversary ng Kids Only Magazine ng Philippine Star.

Nag-enjoy ang lahat hindi lamang ang mga bata kundi ilang teenagers at maging mga parents ng mga kids na naroroon sa pagpapakuha ng letrato at pagpapapirma sa mga naturang Purefoods players.

Salamat, James, Papa Jun at Marc.

* * *

Kapuna-puna lang na parang mas naging mahiyain si James Yap ngayon. Ilang sportswriters nga ang nagsabi sa akin na mas aloof ngayon at talagang lalong naging mahiyain si James.

Bakit kaya?

* * *

Natutuwa din ako kay Marc Pingris, dahil very sweet siya sa mga nagpapakuha ng letrato. Talagang ilalapit niya ang face niya sa tabi ng nagpapakuha at kung bata ang magpapakuha ay kakargahin pa niya ito.

Marami kasi ang nag-aakala na suplado si Mark dahil siyempre tisoy. Hindi pala sabi ng marami.

* * *

Wala pang planong mag-anak sina Marc at Danica Sotto sa ngayon.

Sabi ni Marc, nais muna nilang ma-enjoy ang isa’t isa. Katunayan, may balak pumunta ng France si Marc upang puntahan ang kanyang Dad doon. Siyempre kasama si Danica. Bukod sa France gusto din nilang mag-tour sa ibang bansa kaya lang pinag-iisipan pa muna nila kung saan talaga ang destinasyon nilang mag-asawa.

Sa ngayon busy si Marc sa pagpaparehab ng kanyang tinamong injury kung kaya’t hindi pa ito masyadong nagagamit.

Malamang sa 2007-08 season ay balik na siya sa porma.

Good-Luck!

vuukle comment

CENTER

CLEVALAND CAVALIERS

DANICA SOTTO

JAMES

MARC PINGRIS

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with