^

PSN Palaro

Fare hike nilinaw

-

Makakaharap ng La Salle ang University of Santo Tomas sa salpukan ng mga pinapaborang koponan kung saan target ng Lady Archers ang ika-lawang panalo sa Shakey’s V-League wo-men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Ang Taft-based spikers, na naghahangad na mapalawig ang kani-lang dominasyon sa liga sa ikaapat na conference, ay sasandal sa straight set na tagumpay laban sa Far Eastern University noong opening.

Ngunit inaasahan ang matinding laban kontra sa nagbabalik na dating kampeon sa pang-alas-5 ng hapon nilang salpukan.

Ang Tigresses, nag-wagi sa inaugural ng event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza at inor-ganisa ng Sports Vision, ay hindi sumali noong nakaraang conference dahil sa pagtatapos ng kanilang mga mahuhusay na players.

Ngunit nagbabalik sila ngayon sa team na binu-buo nina Mary Jean Balse, Venus Bernal, Vida Rica Gutierrez, Denise Tan, Melissa Cu, Michelle del Rosario, Cherry An Balse at suportado pa ng guest players na sina  Rubie de Leon at Nerissa Bautista.

Ang La Salle, na ba-banderahan ng guest players na sina Amy Guanco at Thai Sanor-seang Arrerat, ay nama-yani sa FEU, 25-16, 25-17, 25-21, sa kanilang pagbubukas ng kam-panya.

Samantala, asam din ng Lyceum ang kanilang ikalawang sunod na pa-nalo laban naman sa Letran sa ala-una ng hapon na laro ng naka-takdang triple bill na suportado din ng Mikasa at Accel.

Magdedebut naman ang Adamson na pamu-munuan ng local guest players na sina Suzanne Roces at Khrystaline Lopez, kontra sa FEU sa alas-3 ng hapon.

vuukle comment

AMY GUANCO

ANG LA SALLE

ANG TAFT

ANG TIGRESSES

CHERRY AN BALSE

DENISE TAN

FAR EASTERN UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with