^

PSN Palaro

Kondisyon na si Bautista

-
Nasa tamang pag-iisip at nasa tamang kondisyon na si Filipino super bantamweight sensation Rey "Boom Boom" Bautista para sa kanilang upakan ni Sergio Manuel Medina ng Argentina sa Mayo 5 sa MGM Grand Resort sa Las Vegas, Nevada.

"I’m well-conditioned and I’m ready to fight Medina," deklara ni Bautista, ang kasalukuyang hari sa World Boxing Council (WBC) Youth super bantamweight division.

Nagkarga ang pambato ng Bohol, Tagbilaran City ng kabuuang 40 sparring rounds sa kanyang pag-eensayo sa Cebu City bago maglista ng 30 sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California at mahigit sa 50 naman sa Puerto Rico kasabay si world junior middleweight champion Oscar Dela Hoya.

Ang Bautista-Medina fight ang siyang tatayong eliminator para sa hahamon kay World Boxing Organization super bantamweight champion Daniel Ponce De Leon ng Mexico.

Matagumpay na naidepensa ng 26-anyos na si Ponce De Leon ang kanyang suot na WBO super bantamweight crown laban sa 34-anyos na si Gerry Peñalosa sa kanyang huling laban.

Nangako si Bautista na tatalunin niya si Medina sa kanilang eliminator para makasagupa si Ponce De Leon sa isang championship fight.    

"Alam kong mahina ang bodega ni Medina sa mga napanood kong fight tapes niya, kaya doon ko talaga siya titirahin," sabi ni Bautista, kasama si light flyweight AJ "Bazooka" Banal sa pag-eensayo sa ilalim ni 2006 Trainer of the Year Freddie Roach sa Puerto Rico.

Makakasagupa naman ni Banal si Alberto Rosas ng Mexico bilang undercard sa laban ni Dela Hoya kay Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 5. (Russell Cadayona)

ALBERTO ROSAS

ANG BAUTISTA-MEDINA

BAUTISTA

BOOM BOOM

CEBU CITY

PONCE DE LEON

PUERTO RICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with