Pagsasaere ng Pacquiao-Solis match ibabawal
April 4, 2007 | 12:00am
Ito na ang tinatawag na pamumulitika.
Ikinalungkot kahapon ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao ang pagsusumite ng petisyon ng Genuine Opposition (GO) sa South Cotabato Chapter sa Commission on Elections (COMELEC) para pigilin ang anumang panayam at pagpapalabas sa kanyang laban kay Mexican Jorge Solis sa Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
"Nalulungkot ako na pati ang laban ko ay gusto nilang pigilan at ginagawa na nilang personalan ang labanan," wika ng 28-anyos na si Pacquiao, kasalukuyang nag-eensayo sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
Sa petisyon ni Atty. Sixto Brillantes, legal counsel ng GO kung saan kabilang si incumbent South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio, sinabi nitong sobra-sobra na ang nakukuhang exposure ni Pacquiao bilang isang kandidato.
Ngunit hindi ito dapat maging isyu, ayon kay Pacquiao, nagsumite na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Koronadal City kamakailan sa pamamagitan ni Atty. Franklin Gacal.
"Alam naman ng lahat na ang pagbo-boksing ay trabaho ko. Itinataya ko ang aking buhay sa page-ensayo at sa itaas ng ring para sa karangalan ng Pilipinas na walang halong pulitika," ani "Pacman", kinilalang 2006 Fighter of the Year" ng American media.
Sinabi naman ni Gacal na hindi sakop ng ‘Fair Elections Law’ ng COMELEC ang naturang laban ni Pacquiao kay Solis, taliwas sa inihayag ng kampo ni Custodio.
"Sa aming paniwala, ito ay hindi sakop ng Fair Elections Law dahil ito ay isang national event and can be treated as a national news," ani Gacal, na sumulat na rin sa mga advertisers ni Pacquiao na huwag nang isaere ang anumang commercials ng tubong General Santos City. "We have already complied kung anuman ang dapat maging obligasyon ni Manny Pacquiao bilang kandidato."
Si Custodio ay nakapagsampa na ng anim na House Resolutions na nagbibigay ng rekognisyon kay Pacquiao mula sa kanyang mga panalo kina Mexican Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Oscar Larios at South African lehlo Ledwaba.
"Miss Custodio has put her personal interests at the expense of the public and I think this is not fair not just for me but to everyone, for all the fans of boxing and of fair play. This is not a good example and lesson for the youth," ani Pacquiao. "Ito ba ang ibig sabihin niya ng Genuine Opposition, ang pagpigil sa mga bagay na nagbubuklod at nagbibigay saya sa lahat ng Filipino? Sana naman, huwag nilang ipagkait ang kaunting ligaya para sa aking mga kababayan." (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended