^

PSN Palaro

Seryoso na ang RP Team

SPORTS - Dina Marie Villena -
Hindi malaman kung ano talaga ang balak ng Pinoy ring icon Manny Pacquiao sa kanyang nais suunging political career. Kasi ba naman, noong una sabi tatakbo ito pero nang makarinig ng kantiyaw at pagboboo sa Cebu coliseum noong nakaraang paboksing ay nagdeklara na hindi na siya tatakbo.

Ilang linggo lamang ang nakakalipas, heto na naman uli si Pacman at nagsasabing tatakbo na naman uli bilang kongresista sa kanilang bayan sa General Santos.

Ano ba talaga Manny?

Kunsabagay ang deadline ay sa Marso 29 pa at baka magbago uli ang isip.

Tutungo si Manny sa Amerika upang panoorin at ibigay ang buong suporta sa kumpareng si Gerry Peñalosa na lalaban ng isang title bout kontra sa Mexican na si Daniel Ponce de Leon sa Marso 17.

At habang nasa Amerika, magsasanay din ito para naman sa nalalapit niyang laban kontra naman kay Jorge Solis sa Alamodome, San Antonio, Texas sa Abril 14.

May ilang araw pa uli si Manny para mag-isip kung tuluyang sasabak sa maduming mundo ng pulitika o sa boxing na lang na siyang tunay niyang mundo.
* * *
Seryoso na ang Philippine basketball team. Kahapon nagsimula na uli ang training ng mga ito at halos makumpleto ang players na kabilang sa mga napili ni National coach Chot Reyes.

Unang mapapasabak ang National team sa Amerika kung saan sila tutungo sa Marso 28, na bukod pa sa ibang international tournament bago tuluyang sumabak sa FIBA-Asia Qualifying tournament.

Sana nga maging maganda ang resulta ng lahat ng pagsisikap ng RP squad na makabalik hindi lamang sa Asian basketball kundi sa Olympic mismo.
* * *
Pakisuyo: Magbubukas ang pinakamodernong cockpit arena sa Boracay sa Marso 30 kung saan nakatakda ang limang espesyal na five-cock derby.

Ang naturang cockpit na proyekto ng Boracay Cockers Association na pinamumunuan nina Rufo Sacapaño, Chester Geliido, Lenard at Bong Tirol, Leni Sapaño, Bridge Subig ay matatagpuan sa Station 3 ng Boracay Island na may international standard size at fully airconditioned VIP room at restaruant na matatawag na isang state-of-the art cockpit arena.

Doon sa tutungo sa Boracay na interesadong lumahok sa derby tumawag lamang sa 0915-7150658.

AMERIKA

ASIA QUALIFYING

BONG TIROL

BORACAY

BORACAY COCKERS ASSOCIATION

BORACAY ISLAND

BRIDGE SUBIG

CHESTER GELIIDO

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with