Bautista, Banal papagitna rin sa Las Vegas
March 1, 2007 | 12:00am
Matapos si Filipino boxing hero Manny Pacquiao, sina Rey "Boom Boom" Bautista at AJ "Bazooka" Banal naman ang papagitna sa Las Vegas, Nevada.
Kinumpirma kahapon niGolden Boy Promotions’ vice-president Erik Gomez ang pagkakasama sa pangalan nina Bautista at Banal sa laban nina World Boxing Council (WBC) junior middleweight champion Oscar Dela Hoya at Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 5 sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada.
Ang pagkakabilang nina Bautista at Banal sa undercard ng Dela Hoya-Mayweather worldjunior middle-weight championship ay sinuportahan ng pagpapadala ng Golden Boy sa dalawang Filipino fighters sa Puerto Rico para makasabay sa pagsasanay si Dela Hoya sa ilalim ni trainer Freddie Roach.
Matatandaang binawalan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions si Pacquiao na magtungo sa Puerto Rico bunga na rin ng kanilang ‘contractual dispute’ ni Dela Hoya at sigalot ni Roach.
Kapwa nanggaling sina Bautista, may 22-0 (17 knockouts) win-loss- record,at Banal sa magkahiwalay nilang tagumpay sa "Moment of Truth" noong Sabado sa Cebu City.
Pinatulog ng 20-anyos na si Bautista si Mexican Marino Montiel Gonzales sa third round upang angkinin ang nakatayang World Boxing Organization (WBO) Intercontinental super bantamweight at WBO Youth super bantamweight title.
Sasagupain ni Bautista si Sergio Manuel Medina, nagdadala ng 28-0 (16 KOs),para sa WBO eliminator sa undercard ng Dela Hoya-Mayweather championship fight.
Pinabagsak naman ng 18-anyos na si Banal, maghihintay pa ng katapat sa Mayo 5,si Komrit Evereadygym ng Thailand sa first round para iangat ang kanyang ring record sa 13-0 (10 KOs). (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended