Sino'ng dapat kasali?
February 8, 2007 | 12:00am
Nagsalita na si Philippine team head coach Chot Reyes: Wala nang panahon para mag-isip-isip pa.
Kailangan nang buuin ang national team na maglalaro sa SEABA, upang makapaghanda para sa Olympic qualifier na gaganapin sa Saitama, Japan sa Hulyo.
Kasunod pa nito, ang Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
Ayon kay PBA commissioner Noli Eala, hindi na gagawa ng pool, kundi pipili na ng labing-apat na maglalaro agad sa koponan, para agarang maka-bisado ang sistema.
Hindi pa alam ng PBA kung paano pagkakas-yahin ang SEABA, FIBA-Asia at ang second conference. Sa katunayan, di pa napagpapasyahan kung maglalaro ng hiwalay ang Philippine team bilang guest team sa PBA.
At paano ang dating "mother team" rule na nag-babawal sa isang RP team member na maglaro laban sa sarili niyang koponan?
Marami pang katunungang di nasasagot. At maikli na ang panahon.Ang susunod na tanong: sinu-sino ang dapat kasali sa team?
Unang-una, malamang hindi kumuha ng mga baguhan, liban sa ilang nakapagsanay na kasama ng RP team. Hindi rin mainam na kumuha ng mga injured.
At ang iba naman ay masyado nang matanda para sa Olympics, kung sakaling pumasok ang team doon.
Bagamat nagbabala na si Reyes na walang nakakasigurado sa kanilang slot sa team, sa pananaw ng inyong lingkod ay may ilang makakapasok na.
Una rito, siyempre, si Asi Taulava, dahil kailangan ng malaking sentro, lalo na kapag kaharap ang mga malalakas na bansa tulad ng Japan, Korea at Lebanon.
Pangalawa, sa tingin ko’y sigurado na si Renren Ritualo, dahil walang ibang nalalapit sa kanya sa outside shooting.
Pangatlo sa aking listahan ng katangi-tanging player ay si Danny Seigle, na hindi nakapaglaro sa huling Asian Games dahil nadisgrasya siya laban sa Qatar.
Idagdag na natin diyan si Kelly Williams, na kabisado na ang sistema ni Reyes, at maaaring maglaro ng iba-ibang posisyon.
Isang matinding point guard na lamang, at may starting five na tayo.
Sino pa kaya ang pipiliin?
Abangan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am