^

PSN Palaro

Chiefs umeskapo sa Blazers

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tinakasan ng Arellano University ang College of St Benilde, 73-71, sa pagtatapos ng first round ng NCAA Season 100 kahapon sa Filoil-EcoOil Centre sa San Juan City.

Itinaas ng Chiefs ang ka­nilang baraha sa 3-6 at inilaglag ang Blazers sa 6-2 katabla sa liderato ang Mapua Cardinals (6-2).

Kumolekta si T-Mac Ongotan ng 16 points, 4 re­bounds at 2 assists para ban­derahan ang Arellano at nagdagdag si Ernjay Geronimo ng 14 markers.

“Wala namang sikreto diyan. Siguro ‘yung ano lang, pusong palaban. Iyon ang ina-apply namin. Si­guro ‘yung preparation, ‘yun ang pinakamaganda do­on,” ani coach Chico Ma­nabat

Pinamunuan ni Allen Li­wag ang St. Benilde sa kanyang 18 points at 17 boards, habang may 15 at 10 markers sina Gab Co­me­ta at Justine Sanchez, ayon sa pagkakasunod.

Kinuha ng Blazers ang 67-66 abante sa huling apat na minuto ng fourth period.

Nagsalpak si King Vi­noya ng three-point kasunod ang dalawang free throws ni Ongotan pa­ra sa 71-67 bentahe ng Chiefs.

Sa ikalawang laro, ti­na­­lo ng Jose Rizal ang Emilio Aguinaldo College, 75-63.

May 3-5 marka ngayon ang Heavy Bombers at Ge­nerals.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
9 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with