Adamson 1 panalo na lang para sa UAAP baseball title
February 1, 2007 | 12:00am
Ipinagpatuloy ng Adamson University ang kanilang mahusay na performance nang kanilang blangkuhin ang Ateneo, 21-0 kahapon upang mangailangan na lamang ng isang panalo para makopo ang womens volleyball title sa UAAP Season 69 sa pamamagitan ng pag-sweep ng eliminations sa University of Santo Tomas (UST) field.
Tinalo naman ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines (UP), 6-3 sa isa pang laro kahapon na nagbigay daan sa Tigresses na makaganti sa kanilang 2-0 first-round loss sa Lady Maroons at nagtabla din sa kanila sa second place sa standings sa kanilang biktima na may apat na panalo at dalawang talo.
Ang Lady Falcons, na walang talo sa limang laro ay agad umalagwa sa unang inning pa lamang kung saan umiskor sila ng siyam na runs tampok ang home runs nina Chat Ditchon at Sarah Jane Agravante kay Kristine Drilon.
Hindi pa nakuntento ang Lady Falcons at umiskor pa ng anim na runs sa ilalim ng second inning kung saan umiskor uli ng run si Agravante.
Mayroon namang three-run homerun si Zhazha Alba sa bottom-fourth at nasiguro na ng Lady Falcons ang panalo habang ipinalasap naman nila sa Lady Eagles ang ikaanim na sunod na kabiguan.
Hindi naman naging madali ang tagumpay ng Santo Tomas sa ikalawang laro.
Ang sacrifice fly ni Ma. Christina Daque ang nagpaiskor kay Zenny Badajos, at ang solo homer ni shortstop Alexis Causapin ang nagsimula ng scoring ng UP sa taas ng unang inning.
Nakaganti lamang ng single run ang Tigresses sa bottom first mula kay Gedda Valencia na naka-triple para dalhin sa home plate si Elizabeth Tayag.
Sa third inning lamang nag-init ang UST kung saan naka-single si Valencia na nakaiskor ng dalawang runs mula kina Joan Locsin at Tayag habang naka-double naman si catcher Lanie Sarmiento bago nakarating sa homeplate sa RBI ni Daque para sa tatlong run na produksiyon ng Santo Tomas at hindi na nakaporma pa ang kalaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am