^

PSN Palaro

PACQUIAO-MORALES MATALIK NA MAGKAIBIGAN

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Naiinggit ang isang sikat na PBA player kapag nakakarinig siya ng mga players na ikinakasal na.

Nasa marrying age na siya, may savings na rin naman, at may matagal nang girlfriend kaya puwede na rin sana siya to settle down.

Pero ang problema, hindi niya magawang magpakasal.

Kasi may humahadlang.

Kasi may kumokontra.

Blood is always thicker than water, sabi nga nila.
* * *
O kita mo naman yang dating mortal na magkaaway, ngayon ay magkaibigan nang matalik.

Sasamahan pa mismo ni Manny Pacquiao sina Erik Morales at ang asawa nito sa General Santos City para dumalo sa birthday celebration ni Jinky Pacquiao.

Ewan ko lang kung nagbago ng isip si Morales matapos magkaroon ng bombahan sa Gensan nung isang araw.
* * *
Dadaan pa sa isang playoff ang Sta. Lucia laban sa Air 21 bago ito tuluyang makarating sa next round ng PBA.

Alam ng Air 21 na isang mabigat na team ang SLR pero nakahanda silang lumaban.

Alam din naman ng mga taga-Sta. Lucia na tutuong nanggaling na sila sa itaas eh heto’t naghihingalo pa sila going into the next round.

Pero determinado silang makarating dun kahit na anong mangyari, kahit sino pa ang makaharap nila.
* * *
Ngayong tapos na ang wildcard phase, hintayin na lang natin ang ilang importanteng announcement patungkol sa composition ng mga coaching post ng ilang teams.

Basta mag-antabay na lang tayo sa ilang mga pagbabago.
* * *
Marami pa raw ang titiwalag na sa BAP at sasapi na sa SBP.

Dahil dyan, patuloy pa rin ang kaguluhan sa basketball sa ating bansa.

Nakakalokang tunay! 

Personal: Happy happy birthday to a good friend, Yellowisha Valle (January 15) ! More blessings in 2007!

vuukle comment

ALAM

CENTER

ERIK MORALES

GENERAL SANTOS CITY

JINKY PACQUIAO

KASI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with