^

PSN Palaro

New Year’s Tradegy

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Dalawang araw bago sumapit ang Pasko ay nakatanggap ng magandang Christmas gift ang mga Pinoy na mahilig sa basketball nang magkasundo sina Senator Jinggoy Estrada at PLDT Top Honcho Manny V. Pangilinan.

Sa kanilang miting sa Hong Kong dalawang Sabado na ang nakalilipas ay pumayag si Sen. Estrada na maging Chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas. Si Pangilinan ang magiging Presidente.

Ayon kay Sen. Estrada, sinusundan lang niya ang napagkasunduan na sa Tokyo ilang buwan na ang nakalilipas. Ipagbibigay alam niya sa kanyang mga kasama sa Basketball Association of the Philippines ang resulta ng kanyang pakikipag-usap kay Pangili-nan.

Bagamat magandang balita iyon at maituturing na regalo nga sa mga adik sa basketball ay hindi kaagad nagbunyi ang ilang nagtutulak sa formation ng SBP. Kasi nga kahit na si Sen. Estrada ang Pangulo ng BAP, kailangan pa ring pumayag ng kabuuan ng BAP.

Nang ma-interview si Chot Reyes, na siyang humahawak sa National Pool ay sinabi niya na minsan lang nangyari ang pagkakaroon ng ganitong klaseng kasunduan noong si Joey Lina pa ang pangulo ng BAP. Pero nagkagulo rin dahil hindi puma-yag ang mga iba pang opisyales ng naturang asosasyon. Kaya nga nagbitiw si Lina at pinalitan ni Sen. Estrada.

So kahit na natutuwa si Reyes, hindi pa rin niya masabi kung kailan magkakaroon ng full blast sa paghahanda ng National Team o matutulad lang ang pagkakasundo nina Pangilinan at Sen. Estrada sa nangyari noon kay Lina.

Nasabi na natin na animo nagkaroon tayo ng Christmas gift, pero gaya ng selebrasyon ng buong bansa ng Pasko at Bagong Taon, heto’t meron tayong New Year’s tragedy.

Parang naputukan ng kamay at hindi makapag-dribble ang bayang basketbolista ng halos ibasura ng BAP ang kasunduan nina Pangilinan at Sen. Estrada.

Nais ng BAP na ma-retain ng pangalan nito sa halip na mabuwag at buuin ang SBP. May counter offer nga sila at inimbitahan nila si Pangilinan na maging Chairman ng BAP.

So, back to square one tayo. Ayaw ng BAP na mabaon sa limot ang 70 taong asosasyon at magkaroon ng pagbabago sa basketball landscape ng bansa. Dahil dito malamang na magpatuloy tayong suspendido ng FIBA at hindi na tayo makababalik pa sa Olympics.

Ewan ko kung ano ang magiging reaksyon ni Sen. Estrada. Kung talagang siya ang pinuno ng BAP dapat ay respetuhin ang kanyang desisyon.

BAGONG TAON

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHOT REYES

ESTRADA

HONG KONG

JOEY LINA

NATIONAL POOL

NATIONAL TEAM

PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with