^

PSN Palaro

Mapupunta kay Viloria ang titulo ni Nino?

-
Multa, suspensyon at ang pagka-kahubad sa korona ni Mexican world light flyweight champion Omar Nino ang hinihintay ngayon ni Filipino fighter Brian Viloria.

Ito ay matapos na ring magsampa ng kaso ang Nevada Attorney General laban kay Nino nang mapatunayan ni-tong positibo ang Mexican sa paggamit ng illegal substance na methamphe-tamine sa kanyang post fight drug test.

"It opened up a whole lot of answers or questions, how he went about the fight," wika ni Viloria kay Nino, umagaw ng kanyang World Boxing Council (WBC) light flyweight crown noong Agosto at umiskor ng isang draw sa kanilang rematch sa "Grand Finale" nina Manny Pacquiao at Erik Morales noong Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada. 

Ang methamphetamine ang sina-sabi ng Nevada Attorney General na nagpasilakbo sa damdamin ni Nino para hindi makaramdam ng sakit mula sa dalawang pagpapabagsak sa kanya ni Viloria.

"If he wasn’t on drugs, those knock-outs or knockdowns would have been a lot more significant," ani Viloria. "If you’re on drugs and you’re knockdown, of course your reaction is just get back up, spºecially if you’re on a high dosage of methamphetamine. You don’t know what you’re capable of doing."

Sakaling tuluyan nang mapatuna-yan ng Nevada Attorney General na nagkasala si Nino, nahaharap ito sa pagbabayad ng multa, suspensyon at pagkakabawi ng kanyang WBC light flyweight title.

"I believe Brian deserves the title immediately," wika ni Gary Gittelsohn, manager ni Viloria. "I believe the judging was incompetent, not corrupt, but incompetent."

Isang hearing ukol sa kasong isinam-pa ng Nevada Attorney General laban kay Nino ang inaasahan sa mga susunod na araw. (RCadayona)

BRIAN VILORIA

ERIK MORALES

GARY GITTELSOHN

GRAND FINALE

LAS VEGAS

MACK CENTER

NEVADA ATTORNEY GENERAL

NINO

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with