^

PSN Palaro

Seigle humataw para sa SMB

- Mae Balbuena -
Humataw si Danny Seigle sa ikatlong quarter upang ilayo ang San Miguel Beer tungo sa kanilang 100-81 panalo laban sa defending cham-pion Purefoods Chunkee sa pagbisita ng Talk N Text PBA Philippine Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque kagabi.

Umiskor si Seigle ng 14 sa ikatlong quarter kabilang ang 12-sunod na puntos upang bandera-han ang 18-run na tinapos ni Dondon Hontiveros ng transition dunk para sa 64-49 kalamangan ng San Miguel.

Tuluy-tuloy na ang pagkontrol ng Beermen sa labanan tungo sa kani-lang ikapitong panalo ma-tapos ang 12 laro habang bumagsak naman ang Purefoods sa 7-6 kartada.

Tumapos si Seigle ng 24-puntos at katulong nito si Dorian Peña na may 21 puntos.

Samantala, magpapa-tuloy ang aksiyon sa Araneta Coliseum kung saan hangad ng Red Bull ang panalong maghihi-walay sa kanila ng pakiki-pagtabla sa walang larong Barangay Ginebra at posibleng magbibigay sa kanila ng liderato.

Kung magtatagumpay ang Bulls na may 8-4 record, maaaring mapa-sakanila ang solong pamumuno kung mama-lasin ang Sta. Lucia, (may 8-3 kartada) na kasalu-kuyang nakikipaglaban sa Air21 (5-6) habang sinu-sulat ang balitang ito.

Pinapaborang manalo ang Red Bull laban sa Alaska na may 4-7 karta-da sa alas-4:05 ng ha-pong sagupaan na susun-dan ng engkwentro ng Talk N Text (6-6) at Coca-Cola (3-9) sa alas-6:30 ng gabi.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

DANNY SEIGLE

DONDON HONTIVEROS

DORIAN PE

OLIVAREZ SPORTS CENTER

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS CHUNKEE

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with