^

PSN Palaro

Laban ni Jaca kay Marquez bulilyaso pa

-
Tuluyang lumabo ang tsansang makalaban ni Jimrex Jaca ang pinagpipitagang Mexican legend na si Juan Manuel Marquez.

Ito ang ipinabatid ni Rex ‘Wakee’ Salud, manager ni Jaca.

Ayon kay Salud, isa sa dahilan ng pagkaka-unsiyami ng laban ni Jaca ay bunga ng pagtaas ng kanyang timbang at ang di umano’y biglaang pagtatakda ng laban ng hindi ipinaalam sa kampo ni Jaca.

Ang nasabing laban ni Jaca ay kontra kay Juan Manuel Marquez na isasagawa sa Nobyembre 25 sa Dodge Arena sa Hidalgo, Texas na hatid ng HBO.

Unang itinakda ang bakbakang Jaca-Marquez noong Oktubre 21 ngunit nakansela ito nang hindi mabiyayaan ng US visa si Jaca at dahil dito pansamantalang tumigil sa pag-eensayo ang 23 anyos na tubong Dumaguete City na naging dahilan ng pagtaas ng kanyang timbang.

Sa kasalukuyan, nasa kanilang bayan sa Dumaguete si Jaca at ayon kay Salud tumitimbang ito ng 138 lbs at mahihirapan makabalik sa dating porma at 126 lbs limit hanggang Nobyembre 25.

Si Jaca ay mayroong 30 laban at 27 rito ay kanyang naipanalo kasama pa ang 12 KO.

Matatandaan na sa huli niyang laban ay nanalo siya sa pamamagitan ng technical draw laban kay Hector Javier Marquez na ginawa bilang undercard sa Manny Pacquiao-Oscar Larios na sagupaan noong Hulyo 2 sa Araneta Coiseum.

Sa kabilang banda, si Marquez ay mayroong 45 panalo sa 49 na laban at galing siya sa TKO panalo kontra kay Terdsak Jandaeng ng Thailand para agawin ang WBO interim featherweight title.

Kailangang nasa pinakamagandang kondisyon si Jaca kung haharapin si Marquez dahil napatunayan na nito ang kanyang tibay matapos bumagsak ng tatlong beses pero nakahirit pa ng tabla laban sa pambatong boksingero ng bansa na si Manny Pacquiao noong Mayo 8, 2004. (Russelll Cadayona)

vuukle comment

ARANETA COISEUM

DODGE ARENA

DUMAGUETE CITY

HECTOR JAVIER MARQUEZ

JACA

JIMREX JACA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LABAN

MANNY PACQUIAO-OSCAR LARIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with