^

PSN Palaro

Si Luat na lang ang matibay

-
Nananatiling walang talo si Rodolfo ‘Boy’ Luat, bumagsak sa loser’s bracket si Alcano habang patuloy sa pagbangon si Antonio Gabica sa 2006 9-Ball US Open sa Chesapeake Convention Center sa Virginia kahapon.

Nakarating sa Final Four ng winners bracket si Luat matapos magtala ng 11-8 panalo laban kay Charlie Bryant. Susunod na makakalaban ni Luat si Rob Saez habang sa isa pang Final Four match ng winners bracket ay Gabe Owen versus David Broxson.

Nalaglag naman sa losers side si Alcano matapos ang 5-11 kabiguan sa ikaanim na round kontra kay Owen at kakalabanin nito si John Schmidt sa final-8 ng kaliwang bracket.

Umusad naman si Gabica sa final-8 ng losers bracket matapos ang 11-10 pamamayani laban kay Corey Dueul at susunod nitong kakalabanin si CJ Wiley.

Nasibak naman sa kontensiyon si Lee Van Corteza matapos mabigo sa bigating kalaban na si Mika Immonen, 4-11.

Ang iba pang match-up ng final-8 ng losers bracket ay Immonen versus Bryant at Darren Appleton versus Troy Frank. (Mae Balbuena)

ALCANO

ANTONIO GABICA

CHARLIE BRYANT

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

COREY DUEUL

DARREN APPLETON

DAVID BROXSON

FINAL FOUR

GABE OWEN

JOHN SCHMIDT

LUAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with